Ipinaskil ng embahada sa kanilang website ang advisory na may titulong “Security message for U.S. Citizens: Risk of Kidnapping in Southern Cebu” kahapon.
Nakasaad dito na may mga teroristang grupo ang nagbabalak magsagawa ng kidnapping na madalas puntahan ng mga dayuhan sa timog bahagi ng Cebu, partikular na sa mga lugar ng Dalaguete, Santander at Sumilon Island.
Dahil dito ay pinayuhan ang mga US citizens na umiwas muna sa pagtungo sa mga nabanggit na lugar, manatiling mapagmatyag sa kanilang kapaligiran, alamin ang mga pinakahuling balita at ingatan ang mga sarili.
Pinaalalahanan rin nila ang kanilang mga mamamayan kaugnay sa Department of State Worldwide Caution na inilabas noon pang September 13, kung saan nabanggit ang mga banta ng terorismo laban sa mga U.S. citizens sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Gayunman, ayon kay Chief Supt. Noli Taliño na director ng Police Regional Office-Central Visayas, wala pa naman silang nababantayang anumang banta ng terorismo sa Cebu.
Pero sumasang-ayon naman sila na lahat ng mga residente at turista ay dapat maging maingat.