Mga US citizens, pinaiiwas muna na magpunta sa southern Cebu

By Kabie Aenlle November 04, 2016 - 04:09 AM

 

kidnappingInabisuhan ng US Embassy dito sa Pilipinas ang kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang pagtungo sa southern Cebu upang maiwasan ang ma-kidnap.

Ipinaskil ng embahada sa kanilang website ang advisory na may titulong “Security message for U.S. Citizens: Risk of Kidnapping in Southern Cebu” kahapon.

Nakasaad dito na may mga teroristang grupo ang nagbabalak magsagawa ng kidnapping na madalas puntahan ng mga dayuhan sa timog bahagi ng Cebu, partikular na sa mga lugar ng Dalaguete, Santander at Sumilon Island.

Dahil dito ay pinayuhan ang mga US citizens na umiwas muna sa pagtungo sa mga nabanggit na lugar, manatiling mapagmatyag sa kanilang kapaligiran, alamin ang mga pinakahuling balita at ingatan ang mga sarili.

Pinaalalahanan rin nila ang kanilang mga mamamayan kaugnay sa Department of State Worldwide Caution na inilabas noon pang September 13, kung saan nabanggit ang mga banta ng terorismo laban sa mga U.S. citizens sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.

Gayunman, ayon kay Chief Supt. Noli Taliño na director ng Police Regional Office-Central Visayas, wala pa naman silang nababantayang anumang banta ng terorismo sa Cebu.

Pero sumasang-ayon naman sila na lahat ng mga residente at turista ay dapat maging maingat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.