Pangulong Duterte, hinimok na ratipikahan na ang Paris Climate pact

By Isa Avendaño-Umali November 04, 2016 - 04:20 AM

 

Handa ang mga miyembro ng House Special Committee on Climate Change na kumbinsihin si Pangulong Rodrigo Duterte na i-adopt ang Paris agreement on Climate Change.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocate, chairman ng komite, ipi-prisinta nila sa presidente ang mga pakinabang ng Pilipinas sa Paris Agreement.

Ginawa ni Batocabe ang pahayag matapos humarap sa hearing ang kaukulang mga ahensya ng gobyerno at non-government organizations para ipaliwanag ang nilalaman ng naturang kasunduan.

Ito’y makaraang mag-atubili si Pangulong Duterte na ratipikahan ang nasabing Climate Change agreement.

Iginigiit naman ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate ang climate justice mula sa industrialized countries gaya ng China, Amerika at Japan na aniya’y responsable sa pagkasira ng kapaligiran.

Dapat naman anilang agad magbawas ang mga ito ng emissions sa halip na hingin ito sa mahihirap na bansa.

Samantala, kumpisyansa naman si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na magbabago pa ang isip ni Pangulong Rodrgo Duterte para suportahan ang Paris Agreement on Climate Change.

Katuwiran nito, kilala naman ang presidente sa pagiging rasonable.
Ang kailangan lamang aniya ay maipaliwanag sa kaniya nang mabuti na papayagan pa rin naman ang bansa na magtayo ng coal-fired power plants.

Sinabi ni Pichay na maaaring ang pagkakaintindi ng pangulo ay magiging hadlang sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang Paris Agreement.

Kasabay nito, hinimok ng kongresista ang Climate Change Commission na linawin at patunayan sa presidente na kabaligtaran ang paniniwala dahil makikinabang ang bansa nasabing kasunduan.

Tiniyak naman ng CCC na nagpapadala sila ng updates sa Malakañang sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.