Kampo ni Bongbong Marcos, iaapela ang pagbasura sa ‘tampering’ case vs COMELEC at Smartmatic
Aapela ang kampo ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) ang naging desisyon ng Manila Prosecutors’ Office na ibasura ang mga kasong cybercrime laban sa Commission on Elections (COMELEC) at Smartmatic.
Ito ay may kaugnayan sa alegasyon ng kampo ni marcos na nagkaroon ng pagbabago sa ‘script’ ng transparency server noong kasagsagan ng halalan noong Mayo.
Wala kasing nakita ang korte na sapat na ebidensyang magpapatunay sa umano’y sabwatan ng COMELEC at Smartmatic upang i-tamper ang resulta ng halalan, na kinukwestyon ng dating senador sa Presidential Electoral Tribunal.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez na abogado ni Marcos, napakasimple lang ng reklamo dito dahil pinalusot ng COMELEC at ng Smartmatic ang isang pagbabago sa sa server habang kasagsagan pa ng trasmission ng mga boto noong halalan.
Mismo rin aniyang si COMELEC Chairman Andres Bautista ang nagsabi na wala silang otorisasyon ibinigay para payagan ang pagpapalit sa script noong panahong iyon.
Ipinagtaka rin ni Marcos kung bakit ganito ang naging desisyon ng korte, gayong inamin mismo ng COMELEC IT personnel na si Rouie Peñalba ang kakulangan niya ng otorisasyon para payagan ang anumang pag-aayos sa transparancy server.
Si dating Abakada Rep. Jonathan dela Cruz na campaign manager ni Marcos ang tutungo sa DOJ para i-apela ang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.