Bagong US ambassador to Philippines, nanumpa na
Nanumpa na bilang bagong United States Ambassador to the Philippines ang Korean-American na si Sung Y. Kim.
Si Kim na dating naging special representative ng Amerika sa North korea Policy, ay ikinandidato ni President Barack Obama noong Mayo at kinumpirma ang kaniyang kinumpirma noong Setyembre.
Siya ang pumalit na kay Philip Goldberg na naging tampulan ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naging career member rin ng US foreign service si Kim, na nanilbihan rin bilang US ambassador to the Republic of North Korea mula 2011 hanggang 2014, at bilang special envoy na may ranggong ambassador para naman sa Six-Party Talks mula 2008 hanggang 2011.
Naging Political-Military Unit Chief naman siya ng US Embassy sa Seoul mula 2002 hanggang 2006, at political officer naman mula 1999 hanggang 2002 sa Tokyo.
Nagtapos siya sa University of Pennsylvania, at kumuha ng kaniyang juris doctor degree sa Loyola University Law School, habang ang kaniyang master of laws degree naman ay mula sa London School of Economics and Political Science.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.