Miss Universe 2016, kumpirmado nang gagawin sa Pilipinas

 

Mula sa IG/Kat De Castro

Opisyal nang itatanghal ang Miss Universe 2016 pageant dito sa Pilipinas sa susunod na taon.

Kinumpirma na ng Department of Tourism na matutuloy na ang patimpalak dito sa bansa matapos lumabas ang mga balitang ito’y kanselado na.

Sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na nagawa nilang makumbinsi ang mga organizers ng Miss Universe pageant na ituloy ang pagsasakatuparan ng naturang international beauty contest sa bansa.

Inanunsyo rin ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach sa pamamagitan ng isang video message ang balita.

Gagawin aniya ang Miss Universe pageant sa January 30, 2017, sa Mall of Asia Arena sa ganap na alas 5:00 ng umaga.

Department of Tourism, Miss Universe Organization, LCS Group of Companies, Okada Manila, SM Group of Companies and Solar Entertainment Corporation bring you MISS UNIVERSE 2016 IN MANILA!

A video posted by Kat De Castro (@katdecastro) on Nov 3, 2016 at 12:42am PDT


Ilan sa mga lugar na magiging tampok sa patimpalak ay ang mga lugar ng Davao, Palawan, at Iloilo.

Gayunman, naghahanap pa rin aniya ang mga organizers ng iba pang mga lugar sa Pilipinas upang maibida sa mga manonood ng Miss Universe.

Isa aniyang malaking karangalan para sa mga Pilipino na makita si reigning Miss Universe Pia Wurtzbach na ginagawa ang kanyang ‘final walk’ bilang reyna sa kanyang sariling bayan.

Read more...