Tacloban Airport, pansamantalang isinara para sa runway repairs

By Kabie Aenlle November 04, 2016 - 03:05 AM

 

Inquirer file photo

Kinailangang i-reset ang biyahe ng hindi bababa sa 850 na mga pasahero sa Daniel Z. Romualdez (DZR) Airport sa Tacloban City, matapos suspindehin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang operasyon ng paliparan Huwebes ng hapon.

Sinuspinde ng CAAP ang operasyon sa paliparan mula 2:28 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi upang bigyang daan ang pagku-kumpuni ng mga potholes na natagpuan sa runway.

Nasabihan naman ang iba’t ibang airline companies bago pa ang temporary closure na naka-apekto sa apat na flights patungong Maynila at isang papuntang Cebu.

Ayon kay CAAP assistant manager at DZR Airport operator Allan Cahingcoy, 20 potholes na may laking hindi bababa sa isang talampakan ang natagpuan sa runway na bunsod ng mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Aniya, bagaman maliliit lang ang mga potholes, nagdesisyon silang ayusin ito agad para na rin sa kaligtasan ng mga eroplano at ng mga pasahero nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.