LPA namataan sa silangan ng Sorsogon, namuo sa loob ng ITCZ
Isang low pressure area ang namuo sa loob ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nagdudulot ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Namataan ang LPA sa layong 185 kilometro ang layo sa silangang bahagi ng Sorsogon City.
Samantala, nauudlot ang pagpasok sa Philippine Area of responsibility (PAR) ng isa sa dalawang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa silangang bahagi ng bansa.
Ito’y dahil hindi halos kumikilos ang naturang bagyo na namataan sa layong 1,400 kilometro sa silangan ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, hindi halos kumikilos ang naturang bagyo sa nakalipas na mga oras.
Ito anila ay dahil naaapektuhan ito at hinihila ng isa pang bagyo na kasunod nito.
Dalawang scenario ang nakikitang posibleng mangyari sa kilos ng naturang bagyo.
Una, tuluyan na itong mabigo na makapasok sa PAR at umakyat pa northeast.
Ang ikalawa, ay tahakin nito ang direksyon patungong Visayas region.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbabantay ng PAGASA sa naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.