EJK’s iimbestigahan ng UN sa simula ng 2017

By Kabie Aenlle November 04, 2016 - 04:21 AM

 

dead qc1Magpapadala na ng kanilang mga kinatawan ang United Nations (UN) at European Union (EU) dito sa Pilipinas para simulan ang imbestigasyon sa pag-dami ng mga nasasawi dahil sa iligal na droga.

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon, ito’y matapos tanggapin kamakailan ng UN Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary or Arbitrary Executions ang imbitasyon ng Malacañang na imbestigahan ang mga pagkamatay sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Sisiyasatin rin ng UN kung nakakasunod ba ang Pilipinas sa mga human rights obligations nito.

Sa mga susunod na linggo ay tatalakayin na aniya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at UN ang mga petsa ng pagbisita ng kanilang mga tauhan, pati na rin ang magiging mandato ng Special Rapporteur.

Ani pa Gascon, malamang na opisyal na magsisimula ang imbestigasyon ng UN sa unang quarter ng 2017.

Samantala, ngayong buwan naman nakatakdang tumungo sa bansa ang isang team mula sa European Union (EU) para makipagpulong sa pamahalaan, mga negosyante at economic managers.

Ayon kay Gascon, aalamin ng EU kung ipinagpapatuloy pa ba ng Pilipinas ang commitment nito sa human rights at iba pang polisiya sa ilalim ng 27 international agreements na pinasok ng bansa.

Sa nasabing 27 international agreements, 10 doon ang may kinalaman sa karapatang pantao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.