Mga proyekto ng DOTr inilatag; 8 trilyon, inilaan para sa imprastraktura
Inisa-isa na ng adminsitrsayon ng pangulong Rodrigo Duterte ang mga infrastructure projects na gagawin sa susunod na anim na taon.
Sa press briefing nina Transportation Secretary Arthur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, Socio Economic Planning Secretary Ernesto Pernia at Bases Conversion and Development Authority o BCDA Chairman Vincent Dizon Malacañang, ipatutupad ang mga programa bilang solusyon sa kakulangan ng trabaho, pagpapababa ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at mas mabilis na transportasyon.
Ayon kay Secretary Villar, target ng gobyerno na itaas sa 5-7% ng Gross Domestic Product ang infrastructure spending ng gobyerno mula sa average na 2.2% sa mga nakalipas na administrsayon.
Kabibilangan aniya ng mga railways, urban mass transport, airports, seaports, mga tulay at kalsada, at mas magagandang mga lungsod o green cities.
Ang battlecry naman na susundin ng gobyerno ay “Build, build, build” na ibig sabihin ay hindi hihinto ang pagtatayo ng mga infrastructure projects 24/7.
Ilan lamang sa mga malalaking proyekto ay ang tulay na magdudugtong sa Ilo-Ilo, Guimaras, Negoros at Cebu, Manila Clark railway project, Mindanao Railway, Regional Airport Development, Ro-Ro port development at ang Clark Green City.
Sinabi ng mga ito na ipatutupad nila ang freedom of information portal kung saan ilalabas ng gobyerno ang lahat ng transaksyon ng gobyerno mula sa mga kasunduan hanggang sa pondong ginastos sa mga proyekto.
Aabot sa walong trilyong pisong pondo ang gugulin ng Duterte administraion sa infra project sa susunod na anim na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.