Ang kumpanyang Shell, Petron at Seaoil ay nagpatupad ng bawas na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.70 sa kada litro ng kerosene at P0.90 sa kada litro ng diesel.
Epektibo ang nasabing rollback alas kaninang 12:01 ng madaling araw.
Sunod na nagpatupad ng rollback ang kumpanyang Flying V. sa halagang P0.90 kada litro sa presyo ng diesel, mas mababa naman ang kaltas nito sa presyo ng gasolina na nasa P0.30 lamang kada litro at P0.75 naman ang ibabawas sa kada litro ng kerosene.
Ang mga kumpanyang Total, PTT at Phoenix Petroleum ay P0.40 din ang bawas sa kada litro ng gasolina at P0.90 sa kada litro ng diesel epektibo kaninang alas 6:00 ng umaga.
Mas mataas naman ng kaunti ang rollback ng kumpanyang Unioil sa presyo ng gasolina na P0.45 kada litro at pareho ang halaga ng rollback sa diesel.
Ang Eastern Petroleum ay mas mataas ang ipinatupad na rollback na nasa P0.50 sa kada litro ng gasolina at P1.00 sa kada litro ng diesel.
Ang sunod-sunod na rollback na ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis ay resulta pa ring pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan./ Dona Dominguez-Cargullo