MNLF force mananatiling malakas ayon kay Misuari

By Chona Yu November 03, 2016 - 07:23 PM

Misuari3
Photo: Sec. Jess Dureza

Mariing itinanggi ni Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari na mahina na ang puwersa ng kanilang grupo.

Sa talumpati ni Misuari matapos ang pakikipag usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kanyang sinabi na walang pagbabago sa pwersa ng MNLF.

Katunayan nakahanda ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na suportahan ang MNLF sakaling pumasok sa giyera.

Samantala, sinamantala rin ni Misuari ang paggamit sa  presidential podium para maglabas ng hinaing sa performance ng ilang kagawad ng ibang media.

Ayon kay Misuari, iniiba kasi ng ilang kagawad ng media ang laman kanyang ng kanyang mga pahayag.

Aminado si Misuari na masaya siya na pansamantalang nakalaya matapos ang tatlong taong pagtatago matapos makasuhan ng rebelyon bunsod ng Zamboanga siege.

TAGS: durez, duterte, misuari, mnlf, durez, duterte, misuari, mnlf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.