PNP Chief binatikos ni Trillanes sa pagbanat sa international media

By Jan Escosio November 03, 2016 - 03:36 PM

Dela Rosa Trillanes
Inquirer file photo

Palusot na lang ni Philippine National Police Chief Ronald  dela Rosa ang paninisi nito sa international media kaya’t natutuon ang atensyon ng mundo sa mga nagaganap na patayan sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Sen. Sonny Trillanes at aniya’y alibi na lang ito ng administrasyon para mapagtakpan ang mga maling nangyayari kaugnay sa war on drugs na pinupuna ng U.S at iba pang human rights groups.

Giit ng Senador, kung wala talagang kinalaman ang pangulo sa mga nagaganap na patayan dapat ay siya na mismo ang nag-utos para mapahinto ang mga sinasabing kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Dagdag pa ni Trillanes, kung talagang gugustuhin ng pangulo na mahinto ang patayan walang ibang gagawin ito kundi utusan ang PNP na resolbahin ang mga kaso at sibakin ang opisyal ng pambansang pulisya na bigong maresolba ang mga kaso ng patayan.

TAGS: dela rosa, PNP, trillanes, dela rosa, PNP, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.