Warrant of arrest laban kay Misuari buhay pa ayon sa DOJ

By Erwin Aguilon November 03, 2016 - 03:02 PM

This photo taken on May 28, 2016 shows Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari (C) speaking during an interview at his mountain lair in Indanan town, Jolo province, on the southern island of Mindanao.  Philippine president-elect Rodrigo Duterte said in a news conference May 26, he will visit Jolo to talk to MNLF chiarman Nur Misuari. / AFP PHOTO / MARK NAVALES
Inquirer file photo

Nilinaw ng Department of Justice na hindi pa inaalis ang warrant of Arrest laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari kaugnay sa Zamboaga siege noong September 2013 kung saan mahigit sa 200 nasawi.

Ayon kay Justice Usec. Erickson Balmes, wala pang lifting sa mandato de aresto kay Misuari base sa naging abiso sa kagawaran.

Sinabi nito na pinagbigyan lamang ng korte ang mosyon na suspindihin ang pagdinig upang bigyang daan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MNLF at MILF.

Si Misuari at ang kanyang mga commanders sa MNLF ay nahaharap sa kasong rebelyon at paglabag sa Philippine Act on Crime against International Humanitarian Law, Genocide at iba pang crime against humanity.

Isinampa ang kaso sa Zamboanga RTC ngunit kalauanan ay inilipat sa Pasig RTC base sa utos ng Korte Suprema kaugnay sa isyu ng seguridad.

TAGS: DOJ, duterte, misuari, zamboang siege, DOJ, duterte, misuari, zamboang siege

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.