Dating Makati City Mayor Elenita Binay lusot sa kasong graft
Ibinasura ng Sandiganbayan 5th Division ang P21.7 Million graft case ni dating Makati Mayor Elenita Binay.
Ayon kay 5th Division Clerk of Court Atty. Liezel de Leon, sa botong 3-2 ay pinagbigyan ng anti-graft court ang hirit ni Binay na demurrer to evidence.
Dagdag ng korte, bigo ang prosekusyon na patunayan na mayroong sabwatan sa bidding ng mga city hall furnitures noong taong 2000.
Sa kabila ng naturang desisyon, mayroon pa ring kaso si Ginang Binay na dinidinig sa Sandiganbayan.
Ito’y kaugnay naman sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga hospital bed noong siya pa ang alkalde ng Makati City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.