TSONA ni VP Binay, hindi makatotohanan ani Cayetano

August 03, 2015 - 08:40 PM

cayetano-binayHindi maituturing na totoo o True State of the Nation Address ang naging paglalahad ngayong araw ni Vice President Jejomar Binay sa kalagayan ng bansa kundi isang replay lamang.

Ito ang tingin ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, na nagsabing ito ay dahil sa walang bagong impormasyon na inilahad si Binay.

Katunayan ayon kay Cayetano, makailang beses nang nailahad sa media ang problema sa korupsyon, kahirapan, MRT at iba pa at pinagsama-sama lamang ito ni Binay.

Hamon ni Cayetano kay Binay, kung totoong nilalabanan nito ang korupsyon, dapat ilahad niya ang kanyang T-SALn o ‘True Statement of Assets, Liabilities and Net worth.

Sa pagkakaintindi ni Cayetano, wala namang inilatag na solusyon si Binay sa mga problema ng bayan. Sinabi pa ni Cayetano na ginawa lamang ni Binay ang TSONA para mapagtakpan ang sariling nitong isyu ng korupsyon.

Una rito, sinabi ni Senador Antonio Trillanes IV na tama ang mensahe ni Binay o “right message for some” ang laman ng TSONA ngunit “definitely the wrong messenger for all,” ayon pa sa senador. /Chona Yu

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.