2,000 pamilya na nasunugan sa Las Piñas, sa covered court nagpalipas ng gabi

By Dona Dominguez-Cargullo November 03, 2016 - 10:18 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Aabot sa dalawang libong pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa malaking sunog na naganap kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City na umabot sa Task Force Alpha.

Karamihan sa mga apektadong pamilya ay nananatili ngayon sa mga evacuation centers at marami ang nagpalipas ng gabi sa covered court sa BF Resort sa Barangay Talon Dos.

Bigo rin ang mga bata na makabalik sa eskwela.

Nagpaabot naman ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa mga apektadong residente ng Manggahan compound kabilang na ang pagpapakain sa mga nasa evacuation centers.

Problemado ang mga nasunugan dahil walang natira sa kanilang mga gamit at tupok na tupok din ang kanilang mga bahay.

Sa nasabing sunog, aabot sa 800 bahay ang natupok ng apoy at aabot sa P50 million ang halaga ng nasunog na ari-arian.

 

 

 

TAGS: Las Piñas City fire, Las Piñas City fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.