Mga pasaherong galing lalawigan, patuloy ang pagdating sa Araneta Center bus terminal
Patuloy ang pagdating ng mga pasaherong umuwi sa lalawigan sa Araneta Center bus terminal sa Cubao Quezon City.
Ayon kay Allan Pitapit, dispatcher ng Antonina Lines, simula alas 3:00 ng madaling araw kanina, patuloy sa pagdating ang mga pasahero na pabalik ng Maynila.
Nagpa-abiso naman si Pitapit sa mga pasahero at mga kaanak nilang naghihintay na may delay ng dalawa hanggang tatlong oras ang pagdating ng mga bus bunsod ng sabay-sabay na pagbihaye ng mga ito.
Asahan din aniya ang sunud-sunod na pagdating pa ng mga pampasaherong bus hanggang Sabado, November 5.
Sa ngayon, walang naitalang aberya sa biyahe ng mga bus sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.