Pero ayon sa weather bureau, nakatakda pa rin itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw at papangalanan itong “Marce”.
Bagaman isa pa rin itong tropical depression, lumakas ang bagyo at ngayon ay mayroon nang taglay na lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras. Huli itong namataan ng PAGASA sa 1,360 kilometer east ng Luzon.
Ang nasabing bagyo ay nagkakaroon din ng interaksyon sa isa pang tropical depression na nasa layong 2,400 kilometer east ng Luzon at may pareho ring lakas ng hangin at pagbugso.
Ayon sa PAGASA, maaring lumakas pa ang bagyo bago pumasok sa bansa at Visayas o ‘di kaya ay Southern Luzon ang tutumbukin ng nasabing bagyo.
Samantala, ang pag-ulan na naranasan mula kagabi hanggang ngayong umaga sa Metro Manila, Northern at Central Luzon ay bunsod nang umiiral na Hanging Amihan.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Vosayas, Mindanao at mga rehiyon ng Bicol, MIMAROPA at CALABZARZON.
Habang maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.