Duterte sa paggamit ng nuclear power: Hindi muna ngayon

By Kabie Aenlle November 03, 2016 - 04:50 AM

Bataan-Nuclear-Power-Plant (1)Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng nuclear energy sa kasagsagan ng kaniyang termino, bilang hakbang sa pagpa-pababa ng halaga ng kuryente sa bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi muna niya ito magagamit sa ngayon dahil kailangan pang isaalang-alang ang mahigpit na seguridad para matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Dapat aniyang mailatag muna ang maayos na safeguards upang masigurong walang magaganap na disaster oras na magkaroon ng nuclear leak o explosion sa anumang bahagi ng nuclear reactors na itatayo ng pamahalaan kung sakali.

Kailangan rin aniyang pag-aralan muna ng Kongreso kung makabubuti ba sa bansa at sa mga Pilipino kung gagamit na lang tayo ng nuclear energy.

Dagdag pa ng pangulo, wala pa naman tayo sa panganib nang pagkawala ng kuryente kaya sa ngayon ay hindi pa natin ito kailangan.

Ngunit sakali aniyang dumating ang panahon na talagang magipit na ang bansa sa enerhiya, baka maari itong gawin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.