Mga mangingisdang Pinoy, hindi pa rin nakakapasok sa Scarborough shoal, batay sa satellite imagery

By Jay Dones November 03, 2016 - 04:25 AM

 

Mula sa AMTI

Hindi pa rin nakakapasok sa loob ng Scarborough o Panatag shoal ang mga mangingisda, taliwas sa mga naunang mga napaulat na balita.

Ito ang lumilitaw sa pinakahuling satellite imagery ng Asian Maritime Transparency Initiative (AMTI) na nakunan noong October 29.

Sa naturang satellite photo, isang China Coast Guard vessel ang makikitang nasa bahura.

Samantala, nasa sampung maliliit na bangka naman ang makikita na nasa labas lamang ng bahura.

Dalawa pang Chinese ships ang makikita sa bisinidad ng Scarborough kasama ng mga bangka ng mga Pilipino.

Ayon kay AMTI Director Gregory Poling, mistulang bumalik lamang ang sitwasyon noong nakaraang Aquino administration kung saan nanatili sa ‘status quo’ sa lugar ng Panatag shoal.

Gayunman, sinabi naman ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea director Jay Batongbacal, ‘inconclusive’ ang naturang larawan dahil hindi nito naisasalarawan ang lahat ng mga nangyayari sa araw-araw sa bahura.

Katunayan aniya, may ilang mga ulat na nagsasabing nagagawa nang makapasok ng Panatag shoal ng ilang mga mangingisda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.