‘Biased’ media, binanatan ni Dela Rosa

By Kabie Aenlle November 03, 2016 - 04:24 AM

 

dela rosaBinanatan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang aniya’y mga “biased” na local at international media na nagbabalak sirain ang mga isinusulong ng administrasyong Duterte ang ng pulisya kaugnay sa laban kontra iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, mayroong mga biased na local at international media na ang nakikita lang aniya ay ang mga negatibong pangyayari.

Aniya, puro ang masasamang pangyayari lang ang kanilang binabalita, ngunit hindi pinapansin ang kabutihang naidulot ng mga nagawa ng PNP sa kampanya laban sa iligal na droga.

Mistulang patutsada ito ni Dela Rosa sa ulat ng international news agency na Reuters, na nagsabi tungkol sa umano’y pagpapahinto ng US State Department sa pagbebenta ng Amerika ng armas sa PNP dahil sa mga paglabag sa human rights sa bansa.

Umapela naman si Dela Rosa sa media na sana ay makipagtulungan sa gobyerno at ibalita kung gaano na kaligtas ang pakiramdam ng mga tao sa ibang lugar ng Metro Manila, at hindi lang ang mga napapatay dahil lumaban sa mga pulis.

Dapat din aniyang tumulong ang media sa pagpapaganda ng imahe ng bansa, at hindi ang sirain ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.