2016, ‘deadliest year’ para sa mga journalists sa Afghanistan

By Kabie Aenlle November 03, 2016 - 04:12 AM

 

AP Photo

Idineklara ng mga media advocates ang taong 2016 bilang ‘Deadliest Year’ para sa mga mamamahayag sa Afghanistan.

Ayon kay Afghan Journalists Safety Committee head Najib Sharifi, sa ngayon ay umabot na ng hindi bababa sa 11 ang journalists na nasawi sa Afghanistan ngayong taon.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng nasawi na kanilang naitala.

Batay sa talaan ng AJSC, mahigit 60 na mamamahayag na ang namatay sa nagdaang 16 na taon, at ayon pa kay Sharifi, hindi kailanman naimbestigahan ang kanilang pagkamatay.

Kasama na sa nasabing bilang ang mga journalists na nasawi sa conflicts, pati na ang mga tinarget mismo ng mga hindi nakilalang suspek.

Dahil dito, umapela ng AJSC sa pamahalaan ng Afghanistan na wakasan na ang culture of impunity na bumabalot sa mga pagkasawi ng mga journalists.

Babala pa nila, kung hindi mababago ang ganitong sitwasyon, mawawalan sila ng de kalibreng local media na isa sa mga greatest achievements ng bansa mula noong 2001 nang mapabagsak ang Taliban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.