Mga clinic sa QC, sisingilin ng lungsod para sa koleksyon ng medical waste

 

Aakuin ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang pangongolekta at pagtatapon ng mga tinatawag na medical waste mula sa clinic sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, gagawin nila ito para matiyak ang tamang pagtatapon ng mga medical waste at sa pamamaraang hindi makakapinsala sa kapaligiran.

Gayunman, ipinaalala ng alkalde sa mga may-ari ng mga clinics na mangongolekta sila ng bayad kapalit ng nasabing serbisyo.

Base sa Revised Health Care Waste Management Manual ng Department of Health (DOH) posibleng pagmulan ng sakit ang exposure sa mga  itinuturing na hazardous health care wastes.

Read more...