DepEd bibigyan ng kapangyarihan kontra sa on line trolls

By Jan Escosio November 02, 2016 - 08:20 PM

internet-user
Inquirer file photo

Gusto ni Sen. Bam Aquino na pangunahan ng Department of Education ang kampanya laban sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon sa social media.

Ayon kay Aquino para masimulan ang kampanya maaring maglunsad ang DepEd ng media literacy week o responsible social media use week sa hanay ng mga kabataan.

Ngunit giit ng senador dapat ito ay pagtulung tulungan ng lahat ng stakeholders kasama na ang media.

Aniya may mga grupo na nangako ng pakikipagtulungan para labanan ang pagkalat ng mga maling balita at impormasyon sa social media.

Una nang inihain ni Aquino ang senate resolution number 173 para alamin kung paano itinuturo sa mga paaralan ang responsible social media use.

Giit pa ni Aquino layon nito na magkaroon ng lipunan kung saan ang lahat ay may respeto sa isa’t isa kahit magkakaiba pa ang paniniwala at ideya.

TAGS: bam aquino, deped, Internet, trolls, bam aquino, deped, Internet, trolls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.