Sig Sauer, nilinaw na walang problema sa firearm deal sa PNP

By Mariel Cruz November 02, 2016 - 07:40 PM

sigNilinaw ng supplier ng Philippine National Police sa M4 assault rifle na walang nagiging problema sa proseso ng pagkuha ng lisensya para makabili ang Pilipinas ng mga bagong baril.

Ito ay sa kabila ng banta ni US Senator Ben Cardin na haharangin nito ang nasabing kontrata dahil sa umano’y nagaganap na extra judicial killings sa bansa.

Sa liham na ipinadala ng Sig Sauer, nakasaad na nakipag-ugnayan na sila sa US State Department para humingi ng status sa pagpapa-apruba sa pagbebenta nila ng baril sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ng US State Department sa naturang liham na ang hinihinging lisensya sa kanila ng supplier sa pagbebenta ng M4 assault rifles ay nasa normal na proseso.

Tiniyak ng Sig Sauer na patuloy nilang imomonitor ang status ng lisensya at agad na ipapaalam sakaling magkaroon ng pagbabago sa naturang proseso.

Kaugnay nito, sinabi naman ng PNP na kung hindi matutuloy ang nasabing kontrata na pagbili sana ng Pilipinas ng 27,000 assault rifles at maaari naman na sa ibang supplier na lamang sila kumuha.

 

sig2

TAGS: dela rosa, PNP, sig sauer, dela rosa, PNP, sig sauer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.