Giyera kontra jueteng sisimulan na ng PNP

By Den Macaranas November 02, 2016 - 04:27 PM

juetengSa pagpasok ng 2017 ay aarangkada na ang kampanya ng Philippine National Police kontra sa iligal na mga sugal.

Sa panayam, sinabi ni PNP Chief Ronal dela Rosa na baka magkaroon rin ng extension ang kanilang giyera kontra sa iligal na droga ng dagdag na anim na buwan.

Pero kahit na abala sila sa mga anti-illegal drugs operations, sinabi ni dela Rosa na determinado sila na simulan ang pagdurog sa mga illegal numbers game sa 2017.

Kabilang sa mga tatargetin ng kampanya ay ang jueteng, small time lottery kung saan ay makakatuwang nila ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Aminado rin ang opisyal na may ilang mga bigtime gambling lords na rin ang nakipag-ugnayan sa kanila at handa na umano ang mga ito na itigil ang kanilang mga iligal na operasyon at makipagtulungan sa gobyerno.

Kaugnay nito, umapela ng suporta sa publiko si dela Rosa kasabay ng pag-asa na kaparehas na suporta rin sa operasyon laban sa iligal na droga ang ibibigay sa kanila ng sambayanan.

TAGS: dela rosa, jueteng, PNP, dela rosa, jueteng, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.