Duterte aminadong ipinagdarasal ang panalo ni Pacquaio sa boxing

By Den Macaranas November 02, 2016 - 03:56 PM

pacquiao-duterte
Inquirer file photo

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang taong hindi paladasal pero ipinagdarasal umano niya ang panalo ni People’s Champ Manny Pacquiao sa kanyang laban sa Linggo sa U.S.

Sinabi ng pangulo na isa si Pacquiao sa kanyang mga nakilala na may mabuting kalooban lalo na sa pagtulong sa mga ordinaryong tao.

Aminado rin si Duterte na may inirereserbang tiket para sa kanya si Manny kapag siya’y may laban kahit na noong hindi pa siya pangulo ng bansa.

Pinayuhan rin niya ang pambansang kamao na tapusin ng maaga ang laban dahil kapag inabot ito ng lampas sa 7th round ay baka abutin na siya ng matinding pagod.

Mas maganda umano kung mabibigyan niya ng isang matinding knockout ang kalaban na si Jessie Vargas ng U.S.

Naniniwala rin ang pangulo na kayang-kaya pa ni Pacquiao na mag-hari sa ibabaw ng lona dahil sa kanyang magandang kalusugan at pangangatawan.

TAGS: duterte, Pacquiao, U.S, vargas, duterte, Pacquiao, U.S, vargas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.