Santambak na basura iniwan ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery

North Cemetery basura
Inquirer file photo

Kalahating araw pa lang nang paglilinis ang lumilipas sa paghahakot ay umabot na sa isang dosenang dump truck na ang napuno ng mga basura mula sa Manila North Cemetery.

Ayon kay Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan sinimulan nila ang paglilinis sa sementeryo kaninang umaga.

Dagdag pa nito na inaasahan na nila na marami pa silang mahahakot na mga basura dahil patuloy pa ang pagdating ng mga dumadalaw sa libingan.

Banggit ni Tan noong undas ng nakaraang taon nakahakot sila ng hindi bababa sa 20 truck ng mga basura.

Aminado ang opisyal na taun taon ay problema ang mga basurang iniiwan sa sementeryo ng mga dumadalaw tuwing Undas.

Read more...