Kaanak ng mga biktima ng enforced disappearances, nagtirik ng kandila sa Plaza Miranda
Nagtungo ngayong araw sa Plaza Miranda ang kaanak ng mga tinaguriang “desaparacidos” upang magtirik ng kandila ngayong araw ng mga kaluluwa.
Hindi napigilan ng pag-ulan ang ginawang aktibidad ng grupo bilang pag-alaala sa kanilang mga mahal sa buhay na matagal ng nawawala.
Ayon kay Lorena Santos, secretary general ng “desaparecidos”, mas kailangan nilang tibayan ang kanilang dibdib, at paghahanap ng katarungan sa kung anoman ang sinapit ng kanilang mga nawawalang mahal sa buhay.
Nanawagan din sila kay Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang pagbubuo ng truth commission sa pagkawala ng iba pang mga biktima, tulad nila Jonas Burgos, Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.
Sa harap ng isinusulong na usapang pangkapayapaan sa pagitan pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines.
Tinukoy ng mga NDF consultant na labingisa sa kanilang mga kasamahan na consultants ay nanatiling nawawala hanggang ngayon at pinaniniwalaang biktima ng organisadong pagdukot o enforced disappearances.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.