Binabantayang bagyo ng PAGASA, papasok sa bansa bukas

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2016 - 11:19 AM

Bukas ng umaga nakatakdang pumasok ng bansa ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 11AM update ng PAGASA, ang tropical depression ay huling namataan sa 1,315 kilometer East ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers kada oras sa direksyon West Northwest.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga papasok ng bansa ang bagyo at papangalanang “Marce”.

Una nang sinabing PAGASA na ang isa pang bagyo na namataan sa silangan ng Luzon ay maliit ang tsansa na pumasok sa bansa.

 

 

 

TAGS: weather update, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.