Tulay na nagdudugtong sa 2 barangay sa isang bayan sa Cagayan, lubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan

Photo via Baggao Police
Photo via Baggao Police

Lubog sa tubig ang isang tulay sa bayan ng Baggao, Cagayan dahil sa pag-apaw ng ilog bunsod ng nararanasang patuloy na pag-ulan.

Sa forecast ng PAGASA, ngayong araw, kabilang ang lalawigan ng Cagayan sa makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Sa abiso ng Baggao Police, hindi na passable sa anumang uri ng sasakyan ang Abusag Bridge sa Barangay Annayatan sa nasabing bayan.

Umapaw kasi ang tubig sa Fulay River dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ang nasabing tulay ang nagdudugtong sa Barangay San Jose at Barangay Annayatan.

 

Read more...