1,600 na pamilya, nawalan ng bahay sa sunog na naganap sa Las Piñas City
Umabot sa 1,600 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Las Piñas City, Miyerkules ng umaga.
Alas 3:30 ng umaga nagsimula ang sunog na mabilis na umabot sa Task Force Alpha.
Ayon Fire/Supt. Crisfo Diaz, Assistant Regional Director ng NCR Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa bahagi ng Manggahan, BF Resort Village sa Barangay Talon Dos kung saan aabot sa 800 na bahay ang natupok.
Tinatayang aabot sa 1.5 na ektarya ng lupain na puno ng mga kabahayan ang apektado ng sunog.
Tatlo naman ang bahagyang nasugatan sa nasabing sunog.
Aminado rin ang opisyal na nahirapan silang puksain ang apoy dahil sa dikit-dikit na mga bahay na yari sa semi-concrete materials bukod pa sa walang malapit na fire hydrant sa lugar.
Kinailangan pa anyang pumunta sa ibang lugar ng kanilang mg truck upang mag-igib ng tubig.
Nagmula umano sa bahay ng isang Eduardo Angeles ang sunog pero inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.
Sa pagtaya, aabot sa P50 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang nasunog.
Umabot sa 1,600 na pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/GIGjN5zo9Z
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 2, 2016
At aabot sa P50 milyon ang halaga ng mga ari-arian ang nasunog | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/jaS99LteAc
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 2, 2016
Ang mga apektadong residente ay kaniya-kaniyang salba ng mga gamit | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/NuHBzz4stv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 2, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.