Pagpapatupad ng expanded number coding scheme, simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 02, 2016 - 06:59 AM

Expanded Number CodingSimula alas 7:00 ng umaga ang pag-iral sa maraming lansangan sa Metro Manila ng expanded number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa ilalim ng mas pinalawig na number coding, mas maraming lugar na sa Metro Manila ang sasakupin ng pagpapatupad ng no window hour policy at aabot na hanggang alas 8: 00 ng gabi ang pag-iral ng number coding.

Mula ngayong araw, November 2, maliban sa EDSA, C5, Roxas Boulevard, Alabang-Zapote Road, Mandaluyong, Las Piñas at Makati ay iiral na rin ang ‘no window hours’ policy sa mas marami pang lansangan sa Metro Manila.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lansangan:

• C1: CM Recto Avenue
• C2: Pres. Quirino Avenue
• C3: Araneta Avenue
• C6: Bulacan-Rizal-Manila-Cavite Regional Expressway
• R2: Taft Avenue
• R3: SLEX
• R4: Shaw Blvd.
• R5: Ortigas Avenue
• R6: Magsaysay Blvd./Aurora Blvd.
• R7: Quezon Avenue/Commonweath Avenue
• R8: A. Bonifacio Avenue
• R9: Rizal Avenue
• R10: Del Pan/Marcos Highway/MacArthur Highway

Layon ng mas pinalawig na polisiya na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko ngayong holiday season.

 

 

 

TAGS: expanded number coding scheme, expanded number coding scheme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.