Pinabulaanan ni Senador Grace Poe ang ulat na kinausap na niya ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo para suportahan ang kanyang plano sa 2016 Presidential elections.
Ayon kay Poe, lalong wala ring katotohanan na kasama niya si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na nakipag usap kay INC Executive Minister Eduardo Manalo sa INC Headquarters sa Quezon City.
Wala rin aniyang katotohanan na hiningi niya ang basbas ng INC para sa susunod na halalan.
Nanindigan pa si Poe na kaya niyang patunayan na mali ang naglabasang balita.
Sa naturang report, susuportahan umano ng INC si Poe sakaling hindi tumakbong pangulo si Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. / Chona Yu
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.