Tricycle driver, patay sa pananambang sa Tuguegarao City

By Kabie Aenlle November 02, 2016 - 12:24 AM

 

gun1Patay ang isang tricycle driver sa Tuguegarao City, matapos pagbabarilin habang naghahatid ng kaniyang mga pasahero.

Tinambangan ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo ang biktimang kinilalang si Rolly Hipolito kahapon sa Brgy. Capatan sa nasabing lungsod.

Ayon sa hepe ng Tuguegarao police na si Supt. Jesus Tamayo, naganap ang insidente kahapon habang may sakay siyang tatlong pasahero na ihahatid niya sana sa bayan.

Hindi pa naman tiyak kung may kinalaman ito sa iligal na droga, dahil ayon kay Tamayo, wala naman si Hipolito sa listahan ng mga hinihinalang gumagamit ng iligal na droga sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.