Sakaling dumating ang takdang oras, Pres. Duterte, mas gugustuhing maihimlay sa tabi ng mga magulang kaysa sa LNMB

By Jay Dones November 02, 2016 - 04:35 AM

 

Duterte AseanKung sakaling dumating na ang panahon, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na maihimlay sa tabi ng kanyang mga yumaong magulang sa Davao City sa halip na sa Libingan ng mga Bayani.

Ito ang isiniwalat ni Pangulong Duterte nang matanong ng mga mamamahayag kasunod ng kanyang pagdalaw sa puntod ng kanyang ina at ama sa Davao City Public and Roman Catholic Church kagabi .

Pahayag ng pangulo, ang pinakamalaking pagkilala para sa isang tao ay ang maihimlay ito sa lugar na kanyang pinanggalingan.

“The greatest honor a man can have is to be buried from where he came from. Katabi nanay at tatay ko,” pahayag pa ni Pangulong Duterte.

Matatandaang hanggang sa kasalukuyan, pinagdedebatehan pa rin ngayon ang usapin ng pagliibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos.

Nais ng pamilya Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo ngunit inaayawan ito ng maraming biktima ng nakaraang martial law.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.