“Mga isyu laban sa human rights sa Pilipinas, dapat pa ring pakinggan”-Pimentel

By Kabie Aenlle November 02, 2016 - 04:27 AM

 

Koko-Pimentel1-e1440041621761Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na ito na ang tamang panahon para pakinggan ang mga pagkabahala at kritisismo ng ibang tao kaugnay sa lagay ng human rights sa Pilipinas.

Reaksyon ito ni Pimentel sa ulat na ihihinto ng US ang pagbebenta ng mga armas sa Pilipinas dahil sa mga agam-agam nito kaugnay sa sitwasyon ng human rights sa bansa.

Ayon kay Pimentel, bukod sa ito na ang oras para tuklasin pa ang pandaigdigang merkado upang makahanap ng de kalibreng mga armas, oras na rin para pansinin ang mga pagbatikos na ibinabato sa atin.

Isang ulat mula sa Reuters ang lumabas na nagsasaad na itinigil na ng US State Department ang pagbebenta ng 27,000 assault rifles sa Pilipinas matapos kumontra si US Sen. Ben Cardin, na miyembro rin ng Senate foreign relations committee.

Ito ay dahil umano sa nakakaalarmang pagdami ng mga napapatay mula nang mas paigtingin pa ng administrasyong Duterte ang laban kontra iligal na droga.

Samantala, naniniwala naman si Senate Minority Leader Ralph Recto na ang desisyong ito ng US State Department ay dapat magsilbing hudyat para isulong ang produksyon ng armas dito sa bansa, dahil makapagbibigay rin naman ito ng trabaho sa mga tao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.