Duterte sa banta na hindi bebentahan ng armas ng US: “Yan Lang?”
Susmaryosep. Yan Lang pantakot nila sa ‘kin ?!
Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa biglaang pagpapahinto ng US State Department na mapagbilhan ng mga assault rifle ang Philippine National Police dahil mga isyu umano ng extrajudicial killings na nangyayari sa bansa.
Sa ulat ng Reuters, sinabing hindi na itinuloy ng US Department of State ang pagbenta ng nasa 26,000 mga baril sa Philippine National Police matapos magbanta si US Senator Ben Cardin na kokontrahin ito dahil sa mga napapabalitang kaso ng EJK sa Pilipinas .
Si Cardin ang isa sa top Democrat sa US Senate at miyembro ng US Foreign Relations Committee.
Sa panayam matapos ang kanyang pagdalaw sa puntod ng mga yumaong magulang sa Davao City, inalala pa ni Pangulong Duterte ang pahayag ng isang Russian diplomat sa kanya kamakailan.
Ayon sa Pangulo, sinabi ng naturang diplomat na kailangan lamang niyang magpunta kahit anong oras sa Russia at handa itong tulungan ang Pilipinas sa kahit anong pangangailangan nito.
“Remember what the Russian diplomat said: Come to Russia, we all have here anything you need.” Pahayag ni Pangulong Duterte.
Balak sanang bumili ng nasa 26, 000 mga bagong Sig Sauer M4 assault rifle ng PNP sa ilalim ng kanilang Credibility Enhancement Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.