Babala ng Moody’s sa epekto ng policy shift sa ekonomiya, binalewala lang ng Palasyo

By Kabie Aenlle November 02, 2016 - 04:28 AM

 

Martin-Andanar-file-0711Hindi nababahala ang Malacañang sa babala ng credit watchdog na Moody’s Investor na posibleng makaapekto sa ekonomiya ang mga pagbabago ng polisiya ng bansa.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, nananatiling matatag ang ekonomiya ng bansa lalo’t bumaba ang poverty rate, stable ang inflation rate at kinikilala pa rin ang mga government-private contracts.

Kaya naman naniniwala si Andanar na ang anumang pagbabago sa polisiya na ipatutupad ng administrasyong Duterte ay hindi makakaapekto sa pag-unlad ng bansa.

Noong Lunes kasi ay naglabas ng report ang Moody’s na mananatiling stable ang banking system ng Pilipinas sa loob ng susunod na 12 hanggang 18 buwan.

Inaasahan rin na matatamasa ng bansa ang real gross domestic product growth na 6.5 percent sa taong 2016 at 2017.

Gayunman, nagbabala ang credit watchdog na maaring madamay sa pagbabago ng mga polisiya ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa.

Matatandaang ilang beses nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang isulong ang independent foreign policy para sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.