Pangulong Duterte, bumisita sa puntod ng mga magulang; resignation ni FVR, kinumpirma

By Jay Dones November 02, 2016 - 04:37 AM

 

Bumisita na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang mga yumaong magulang sa Davao City Roman Catholic Cemetery sa Davao.

Pasado alas 10:00 ng gabi, dumating ang pangulo at nagbigay-respeto sa labi ng kanyang namayapang ama at ina.

Matapos ito, nagpaunlak ng panayam si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nag-aabang na mamamahayag.

Sa kanyang mensahe, kinumpirma ng pangulo na kanya nang natanggap ang resignation ni dating pangulong Fidel V. Ramos na bumibitiw na sa kanyang puwesto bilang special envoy to China.

Pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Ramos sa tulong nito.

Aminado rin si Pangulong Duterte na may mga pagkakataong magkaiba sila ng pananaw ng dating pangulo.

Inamin din ni Pangulong Duterte na hindi sila nagkaintindihan sa posisyon niya ukol sa isyu ng kanyang independent foreign policy at ang panghihimasok ng Amerika sa usapin ng pinaigting na anti-durg campaign sa bansa.

Gayunman, kanya aniyang nirerespeto ang pananaw nito bagama’t magkaiba aniya ang kanilang istilo.

At kung handa aniya si dating Pangulong Ramos na makinig sa kanya, handa pa rin siyang konsultahin ito sa iba’t-ibang mga isyu.

Matatandaang nagbitiw si dating pangulong Ramos bilang special envoy to China nitong nakaraang araw.

Bago magbitiw, matatandaang nagpahayag ng kanyang opinyon si Ramos na tila kumukontra sa tinatahak na direksyon ng Duterte administration partikular sa isyu ng hindi pagsuporta sa climate change pact at mga banat hinggil sa Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.