Pagbabawal sa autopsy waiver para sa mga batang biktima ng krimen isinulong sa Senado

By Jan Ecosio November 01, 2016 - 08:13 PM

Grace-Poe-1
Inquirer file photo

Ipinapanukala ni Sen. Grace Poe na maamyendahan ang isang bahagi ng Presidential Decree no. 856 o ang Code on Sanitation of the Philippines.

Nais ni Poe na kailangan nang sumailalim sa otopsiya ang mga namatay na menor-de-edad kung may foul play o may kapabayaan kaya’t namatay ito.

Dapat din aniya sumailalim sa otopsiya ang katawan ng isang tao na ang sanhi ng pagkamatay ay kaduda-duda.

Sa inihain niyang Senate Bill 1228 ipinagbabawal din sa mga magulang o kaanak ng isang namatay na bata o menor-de-edad na pumirma ng waiver kontra sa pagsasagawa ng autopsy.

Pero may exemption sa panukalay ito ay kung ang otopsiya sa bangkay ay hindi pinahihintulutan ng kanilang relihiyon.

Giit naman ni Poe kailangan pa rin magsumite ng dokumento na magpapatunay na bawal nga sa relihiyon ng namatay ang autopsy.

TAGS: autopsy, poe, sanitation code, autopsy, poe, sanitation code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.