Mga tunay na pari ipinangtapat sa mga pekeng alagad ng simbahan

manila-north-cemetery-entranceNagpaalala ang pamunuan ng Manila Memorial Park laban sa mga pekeng pari na posibleng mambiktima sa mga kababayan dadalaw sa puntod ng mga namayapa.

Dahil dito nagpakalat ng 120 mga pari ang pamunuan ng Manila Memorial Park para magbasbas ng mga patay

Ayon kay Manila Memorial Park Administrator Dennis Zalameda, ito ay upang maiwasan ang pambibiktima ng mga pekeng pari na kadalasan naglilitawan tuwing undas.

Paglilinaw ni Zalameda, ang 120 na mga pare at mga seminarista lamang mula sa  Our Lady of Peace Parish sa Sucat, Paranaque ang pinayagan nila na mag-ikot at magbasbas sa mga puntod.

Paalala ni Zalameda, dapat may ID ng Our Lady of Peace Parish ang mga magbabasbas o magmimisa sa mga puntod.

Giit ni Zalameda, hanggang ngayong araw lang sila papayagan na pumasok at mag-ikot sa mga puntod sa loob ng Manila Memorial Park.

Samantala, as of 3pm ng hapon pumalo na sa 99,465 ang mga indibidwal na dumalaw sa nasabing libingan.

Umaabot naman sa 7,113 na mga sasakyan ang naitalang pumasok dito sa nabanggit na sementeryo.

Read more...