Duterte bilib sa security plan ng PNP ngayong Undas

PNP patrol
Inquirer file photo

Hindi na nag-ikot sa mga pangunahing sementeryo sa Metro Manila o kaya ay sa iba pang panig ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Undas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernie Abella na satisfied naman ang pangulo sa inilatag na seguridad ng Philippine National Police at iba pang mga law enforcement agencies sa bansa.

Bukod sa libingan ng kanyang mga magulang sa Davao City ay wala ng iba pang sementeryo na binisita ang pangulo ayon kay Abella.

Dito sa Metro Manila, halos ay sampung libong mga pulis ang ipinakalat ng National Capital Regional Police Office sa halos ay 100 mga sementeryo.

Bukod sa mga libingan ay todo-bantay din ang PNP sa mga paliparan at mga pier para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Sa monitoring na ginagawa ng Camp Crame, nananatiling maayos ang sitwasyon sa mga libingan sa kabuuan ng bansa hanggang sa hapong ito.

Read more...