Kahit paulit-ulit ang paalala ng mga otoridad, sangkaterbang ipinagbabawal na gamit ang patuloy na nakukumpiska sa iba’t ibang mga sementeryo sa Kalakhang Maynila ngayong panahon ng Undas.
Sa Manila South Cemetery, sinabi ng Manila Police District na simula pa noong October 29, 2016, umabot na sa 118 pointed materials ang nakukumpiska habang dalawampu’t siyam ang bladed weapons.
May naharang din na limang flammable materials at isang bote pa lamang ng alak.
Sa Manila North Cemetery, mahigit-kumulang isang daan ang confiscated items.
Sa Loyola Memorial Park sa Marikina City naman, karamihan sa mga nakumpiskang ipinagbabawal na bagay ay mga sigarilyo at lighters, magmula pa kagabi.
Bukod dito, mayroon ding nakumpiskang dalawang maliit na lata ng pintura, thinner at isang gunting.
Samantala, sa La Loma Cemetery sa Quezon City, aabot sa dalawang karton ng iba’t ibang confiscated items.