Ilang flights ngayong Nov. 1, kanselado dahil sa masamang panahon

By Isa Avendaño-Umali November 01, 2016 - 08:46 AM

naia-tarmacKanselado ang ilang flights dahil sa masamang panahon ngayong araw, November 01 o All Saint’s Day.

Sa advisory ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa cancelled flights ay mga biyahe ng PAL express na 2P 2079 o Manila-Catarman at 2P 2080 o Catarman-Manila.

Nakansela na rin ang mga flight na 2P 2084 o Manila-Basco at 2P 2085 o Basco-Manila

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga pasahero, lalo na ang mga babalik sa Metro Manila, na antabayanan ang iba pang advisory sakaling magkaroon ng karagdagang makakanselang flights.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap at “light to moderate rain and thunderstorms” ang Visayas, Mindanao, Bicol region, Mimaropa, at Calabarzon dahil sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

TAGS: cancelled flights, cancelled flights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.