Pagsibak kay DOTr Sec. Tugade, iginiit ng isang koalisyon

By Rohanisa Abbas November 01, 2016 - 07:51 AM

 

tugade2
DOTr Sec. Arthur Tugade

Pinasisibak ng Pinoy Gumising Ka Movement o PGKM kay Pangulong Rodrigo Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade dahil sa umano’y kabiguang masolusynan ang krisis sa trapiko sa Metro Manila.

Ayon kay PGKM Chair Ruperto Cruz, walang ginawa si Tugade para maibsan ang trapiko sa Kalakhang Maynila.

Aniya, masyado raw abala si Tugade sa paghingi ng emergency powers para sa Presidente mula sa Senado at Kamara para hindi na sumailalim sa bidding ang mga pangunahing proyekto ng Department of Transportation o DOTr.

Umaasa ang PKGM, isang koalisyon ng iba’t ibang sektor, na wala na sa pwesto si Tugade sa Disyembre.

Hindi naman nagbigay ng komentosi Tugade nang hingin ang kanyang reaksyon sa hirit ng nabanggit na grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.