I-ACT, nagalit sa biglaang demolisyon na ginawa ng NaiaX builders

By Kabie Aenlle November 01, 2016 - 04:21 AM

 

Photo from TRB
Photo from TRB

Pagpapaliwanagin ng Interagency Council on Traffic (I-ACT) ang mga builders ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NaiaX) dahil sa demolisyong ginawa nito nang wala man lang koordinasyon sa kanila.

Hindi kasi nakipag-ugnayan ang Vertex Tollways Development Corp. ng San Miguel Corporation at ang DM Consunji Inc. nang simulan nila ang demolisyon ng Skyway ramp ng NaiaX, na nagdulot ng matinding trapik sa timog Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Tim Orbos, wala sa oras ang ginawang demolisyon dahil libu-libong motorista ang mga tutungo sa paliparan ngayon para sa long weekend sa panahon ng Undas.

Ani Orbos, nais nilang marinig ang paliwanag ng NaiaX builders, pero posibleng may ikonsidera rin silang ligal na aksyon kaugnay nito kung kakailanganin.

Nais aniya nilang malaman kung anong pinagmulan ng ganitong hakbang upang maiwasan nang maulit sa mga susunod na panahon.

Sisiyasatin aniya nila ang naging danyos ng nasabing “uncoordinated” na hakbang ng NaiaX builders, at saka nila tutukuyin kung saang punto sila magsasampa ng civil case.

Sakali aniyang mayroong opisyal ng gobyerno na may kinalaman dito, ilalapit nila ang isyu sa Office of the Ombudsman.

Dahil sa pag-lubha ng daloy ng trapiko sa paligid ng NAIA Terminal 3, iniutos muna ni Transportation Sec. Arthur Tugade sa I-ACT na ipahinto ang mga ginagawa sa nasabing rampa.

Ngunit ayon sa Department of Transportation, isang lane na ang hindi madaanan nang ihinto ng DMCI ang demolisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.