Ito ang naging reaksyon ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr. sa mga kumakalat na posts sa social media na siya ay isang U.S. citizen, o na siya ay may dual citizenship.
Bagaman mariin niyang itinanggi ito, inamin naman niya na ang kaniyang misis at lahat ng kaniyang mga anak ay pawang mga US citizens na.
Bukod dito, pinabulaanan rin ng kalihim ang mga akusasyon sa kaniya na siya ay anti-US, na ayon sa ilang mga mambabatas ay lumalabag sa kaniyang tungkulin bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Hindi aniya niya makuha kung bakit siya pagbibintangan ng ganun, dahil mahal niya ang Amerika sapagkat doon naninirahan ang kaniyang pamilya.
Aniya pa, sandali lamang siyang naging abogado sa Amerika matapos siyang pumasa sa New York State Bar Exam noong 1979.