Mga plano ng Maute group, nabulilyaso matapos maaresto ang kanilang mga miyembro-AFP

 

File photo

Matapos maaresto ang ilan sa kanilang mga miyembro na suspek sa pagpapasabog sa Davao City, nabulilyaso ng Philippine Army ang mga planong terorismo ng Maute group sa Mindanao.

Sinabi ito ni Army spokesperson Col. Benjamin Hao, matapos ang pagkaka-aresto da apat pang suspek sa Davao City bombing na ikinasawi ng 15 katao noong Setyembre.

Ayon kay Hao, base sa kanilang mga imposmasyon at pagsisiyasat, may balak magsagawa ng terorismo ang nasabing grupo kung hindi man sa Maguindanao, ay sa Davao.

Naniniwala aniya sila na sa tuwing may nahuhuli ang mga otoridad na miyembro ng grupo ay napupurnada ang mga plano nito.

Nalaman nila ang tungkol dito nang aminin ito ng apat na suspek base sa interrogation report, ngunit wala namang ideya ang Army sa kung kailan nila ito balak isagawa.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Hao na handa pa rin ang mga sundalo sa kung anumang aktibidad na gagawin ng naturang teroristang grupo.

Read more...